Relax, Board Exam Lang Yan!

Malapit na naman ang board exams. Teka, nakapag-file ka na ba para sa board exams? Nakuha mo na ba ang birth certificate mo? Eh ang TOR mo? May picture ka na ba at cedula? Baka naman sa kaka-review mo eh nakalimutan mo nang mag-apply para makapag-exam ka. Kailan ba ang deadline ng filing? Malapit na rin at kailangan mo na talagang maghanda. Pero sa paghahanda ng iba, nakalimutan na rin nilang mag-relax. At dahil ngarag na sila sa pagrereview, pagdating ng board exam mismo, nakalimutan na nila ang mga isasagot sa mga tanong. Dahil sa puyat at gutom at hirap, naapektuhan na ang pag-iisip nya at wala ng natira para sa exam mismo. Totoo ba un? Siempre naman. Ang dami ko kayang kilalang ganun. Halimbawa:

Student: Sir! ang galing ng review natin!

Ako: Talaga?! Bakit mo nasabi?

Student: Eh, lumabas ung mga ni-review natin eh!

Ako: Talaga?! So, sigurado nasagot mo?

Student: Un lang sir, hindi eh. Hindi ko na naalala eh, toxic sir eh, na-stress ako ng husto. (Sabay kamot sa ulo)

Sa mga ganitong senario, magiging mas maganda sana ang resulta ng board exams kung sa tatlong araw o higit pa bago ang board exams eh matututo kang mag-relax. Isang babala lang, ang pagrerelax hindi ibig sabihin na nakahiga o nakaupo lang ng walang ginagawa sa buong araw. Dapat ay matuto tayo ng pagrerelax sa pagitan ng ating ginagawa. Eto ang ilang paraan ng pagrerelax:

1. Mag-Meditate

Ayon sa mga experto, ang pagmemeditate ay hindi lamang pagbali-baliktad ng katawan at huminga ng malalim habang sinasabi ang salitang “aahhmm”. Ang meditation ay pwede ring paulit-ulit na gawain na ang isip ay nasa gawain lang na iyon sa mahaba-habang panahon. Ang meditation ay maaring, swimming, walking o kahit ang simpleng pananahi kung saan naka-focus ang isip mo.

2. Mag-isip ng Magagandang Bagay

Maari na ang isip mo ay napaka “ingay” para magmeditate. Ang isang magandang gawin ay mag-isip ng magandang mga bagay o maari, magagandang lugar na napuntahan mo na o gusto mo pang puntahan. Ang layon nito ay para mawala ang isip mo na nakakapagbigay sayo ng stress. Ipikit ang mata at subukan mong isipin ulit ang mga magagandang lugar na napuntahan na. Sa ganitong paraan, nawawala ang pag-iisip mo sa mga bagay na nagbibigay sa yo ng stress.

3. Huminga ng Malalim

Ang isang bagay na nakakapagbigay sa atin ng stress ay ang mababaw na hininga. Ewan ko kung napapansin nyo, pero habang ikaw ay “under stress” ang paghinga mo ay mababaw at mapapansin mo na ang balikat mo ay naninigas. Pero madali lang iwasan ito, paminsan-minsan, isandal mo ang balikat mo sa upuan, i-relax ang balikat, tyan at dibdib at huminga ng malalim. ulitin mo ng 10 beses.

4. Tumingin sa Paligid

Isang paraan ng relaxation ayon sa mga experto ay ang pagtingin sa paligid bukod sa iyong ginagawa. At habang nakatingin ka sa isang bagay, subukan mong tingnan ang bawat detalye. Kung ikaw ay nasa labas, subukan mong titigan ang mga puno, ulap, lupa at lahat ng makikita mo. At sa pagtingin mo, subukan mong alamin ang bawat detalye tulad ng kulay, hugis at marami pang iba. Sa ganitong paraan, ang isip at naalis sa bagay na nagbibigay sayo ng stress at natutuon sa mga bagay na mas masaya.

5. Uminom ng Green Tea

Ang green tea ay may sangkap na kung tawagin ay Chamomile. Ang Chamomile ay nagbibigay ng relaxation effect at nakakabawas ng stress. Hindi tulad ng kape na lalong nagbibigay ng stress, ang green tea ay kabaligtaran. Kaya uminom ng greeen tea para ma-relax.

6. Socialize

Isang magandang tip sa relaxation ay ang pakikipag-usap o pagsama sa mga kaibigan. Ayon sa mga experto, ang pakikipagusap sa mga kaibigan ay nakakapagpakawala ng idea o isipin sa ulo natin na siyang nagbibigay ng stress sa atin. Dahil sa pag-share mo ng isipin mo, nawawala ang stress. Isa pa, ang yakap mula sa kaibigan o kasintahan o pamilya ay magandang paraan ng pagalis ng stress.

7. Self-Massage

Maraming pahanon na nag-iisa lang tayo sa ginagawa natin at sa panahon ng stress, ang sarili lang natin ang maasahan natin para mawala ito. Isang paraan na mawala ang stress ay ang pagmasahe sa sarili. Ilang paraan ng pagmasahe sa sarili ay ang mga sumusunod:

A. ilagay ang dalawang kamay sa magkabilang balikat at pisilin ang mga ito habang nakarelax.

B. ilagay ang hinlalaki at hintuturo ng isang kamay sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ng kabilang kamay at saka pisilin.

C. kung posible, maari mo ring hilutin o imasahe ang mga daliri ng paa.

Ilan lamang yan sa mga paraan ng pagmamasahe na epektibo sa pag-alis ng stress.

8. Time-out Muna

Alisin ang pag-iisip sa sa ginagawa. Humanap ng tahimik na lugar, dalhin ang upuan sa lugar na iyon at mag-relax. Wag mong isipin muna ang lahat ng bagay na ginagawa mo, kundi i-enjoy lang ang panahon na yon para sa sarili. Gawin ang malalim na paghinga, uminom ng green tea at mag-relax lang.

9. Sound Trip

Habang nakaupo sa tahimik at magandang lugar at habang umiinom ng green tea, maari kang makinig sa music. At payo ko ay ang mga music na nakakarelax, umiwas muna sa mga rock and roll at mga metal na music kundi sa mga love songs or mga instrumental na nakakarelax. Ang mga uri ng musika ni Enya ay magagandang piyesa sa relaxation.

10. Wag kang NEGA

Ang isang malaking nakaka-stress sa mga tao ay ang pag-iisip ng mga bagay na nakakapagpakaba sa yo. Kung ikaw ay magta-take ng board exams, wag mong isiping babagsak ka, kundi isipin mo na kaya mo ginagawa ang mga bagay na ito ay dahil gusto mong pumasa. Mag-isip parati ng mga positibong bagay para hindi ka ma-stress. Alisin o umiwas sa mga bagay o taong masyadong “nega” sa buhay dahil sigurado kang mahahawa sa kanila.

Lagi mo lang isipin ang paghahanda sa board ay mabuti pero kapag na-stress ka na, lahat ng mga inaaral mo ay mawawala rin sa isip mo. Matutong tumigil at magpahinga, 1 o 2 minutong break sa ginagawa mo ay mahalaga na para sa pag-alis ng stress. At bakit ka naman kakabahan, eh board exam lang yan. Kaya, mag-relax at mag-enjoy ka lang sa ginagawa mo. Relax, Chill!

source: http://www.webmd.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s