Sa Board Exam: Hindi Ka Mangangamote sa KAMOTE! By: Melvin Arceo

Kamote (Tagalog) ; Sweet Potato (English); Scientific Name: Ipomoea Batatas

Marami na tayong narinig tungkol sa kamote. Ilan sa mga ito ay kapag kumain ka ng kamote ay maari kang mangamote sa mga exams mo sa eskwela. Isa pa, ay lagi ka raw magpapasingaw ng masamang hangin dahil sa sobrang pagkain nito. Siguro, totoo ang huli, dahil ang kamote ayon sa mga experto sa mayaman sa “fibers” na panlinis ng bituka at tumutulong umiwas sa pagkakaroon ng sakit tulad ng colon cancer. Pero ang naunang akala ay walang basehan. Ang totoo, isa ang kamote na pwedeng makatulong sayo para sa pagpasa mo sa board exams. Papaano?

Ang kamote ay isang magandang uri ng pangkain na mayaman sa carbohydrates. Pero hindi tulad ng kanin na carbohydrates din ang dala, ang kamote ay “complex” carbohydrates, na ang pwedeng idulot nito ay ang unti unting pagtunaw ng ating atay at pagbibigay nito ng “sugar” sa ating katawan. Ang resulta, nagbibigay ito ng energiya sa buong araw nating gawain. Di tulad ng kanin na bibigyan ka ng energiya pero sa sandaling panahon lang. Kaya kapag kumuha ka ng board exam, ang isip at katawan mo ay may tuloy-tuloy na energiya sa buong araw kapag kumain ka ng kamote.

Isa pang magandang benepisyo ng kamote ay ang pagiging mayaman nito sa vitamins C, B3, B6, at E. Alam nyo ba na ang tao ay hindi kayang gumawa ng sarili nyang vitamin C? Di katulad ng karamihang hayop na kayang gumawa ng kanilang sariling katawan ng vitamin C, ang tao ay hindi kaya ito. Kaya nga dapat ay kumukunsumo tayo ng vitamin C. At isa sa magandang panggalingan nito ay kamote. Ang vitamin C ay tumutulong sa ating immune system para hindi tayo madaling kapitan ng sakit. Ang sabi ng mga doktor, dapat ay kumukunsumo tayo ng 500mg hanggang 1000mg ng vitamin C para sa isang may hustong gulang para hindi tayo magkasakit agad agad. Sa pagrereview natin para sa board exam, kailangan natin ng vitamin C para lumaban sa stress at mga sakit dahil sa pagod at puyat at pwede mong makuha ito sa murang paraan sa pagkain mo ng kamote.

Ang vitamin B3 naman o mas kilala sa tawag na Niacin, ay makikita rin sa karne, itlog, isda at marami pang iba. Tumutulong naman ang vitamin B3 para gumanda ang ating memory at ibang brain functions. Kilala din ang Niacin para gumanda ang daloy ng ating dugo at ang resulta, magandang daloy din ng ating pagiisip. Ito rin ang isang dahilan kung bakit ang kamote ay nakakapagbigay ng energiya sa ating katawan at nagpapaiwas sa atin sa mataas na cholesterol.

Ang vitamin B6 ay maganda rin para sa ating memory na katulad ng vitamin B3. Mainam rin ang vitamin B6 sa ating puso dahil tumutulong ito para makapagtanggal ng bara sa mga ugat nito. Kailangan natin ito lalo sa paghihintay ng resulta ng board exams. Dahil kailangan nating tibayan ang ating puso kung ano man ang magiging resulta nito. Katulad din vitamin B3, ang vitamin B6 ay nagpapalakas din ng ating immune system.

Katulad ng vitamin C, ang vitamin E ay nakakatulong din para sa ating immune system at sa pagpapaganda ng kutis. Biruin mo, nakakapagpuyat ka na para sa board exam pero maganda pa rin ang kutis mo dahil pagkain ng kamote. Isa rin itong uri ng antioxidant na syang sumusugpo sa free radicals na isa sa dahilan ng ating madaling pagtanda o pagkakasakit.

Kaya sa pagkain mo ng kamote, marami ang magiging benepisyo nito sa paghahanda mo sa board exams. Gaganda ang iyong memorya, titibay ang iyong pangangatawan, lumalaban ka sa sakit habang puspusan ang review mo. Bibigyan ka ng magandang “supply” ng energiya sa buong araw ng iyong exam. Kaya hindi ka mangangamote sa board exam sa pagkain mo ng kamote. Di ko lang masasabi kung mappipigilan mong umutot sa board exam! hehehe!

3 responses to “Sa Board Exam: Hindi Ka Mangangamote sa KAMOTE! By: Melvin Arceo

  1. There is lots of different types of jerseys although; your NHL-Jerseys will still be favored. Up to a point, it is because clients mbt shoes consideration in order to NHL real jerseys. In part it is because the bottom importance of it. Naturally there are other reasons, for example nutrients.Its usually which means that convenient to wear
    Jacksonville Jaguars Jerseys
    .

    Absolutely no counts with the information instance, NHL-Jerseys are generally invariably your very own alternative. Little one, as under no circumstances vibrant adequate to obtain a correct NHL, this includes a quality shirt, it is also possible to think about wonder, halloween costumes plus passion for the actual NHL. Usual many people could also have fun with the particular NHL. They are actually struggle to request credentialed products, on the other hand we had arrived on the scene capable to get knock-off within the The world wide web. Is it won’t identical to legitimate. Truly! It’s actually extremely difficult to imply to the exposed difference relating to the unique together with eh replacement unit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s