Pare, kailan Board Exam nyo?

Sino ang nakaka-alam kung kailan ang board exam mo?

Alam ba ito ng mga kaibigan mo? ng mga kamag-anak? o lahat ng mga kakilala mo?

Isang kilalang imbentor si Thomas Alva Edison ay may isang paraan para mapilit ang sarili nya na galingan at tapusin ang kanyang mga imbensyon. Ano ito?

Bago ang aktual na paggawa nya sa imbensyon ay nagpapatawag sya ng “press conference” para ipakalat na gagawa sya ng isang bagay bago pa man nya ito gawin at pinapangakong tatapusin ito sa loob ng isang taon. Dahil sa mga pangakong ito, napipilitan sya na tapusin ito para hindi sya mapahiya sa karamihan.

Ano kaya ang mangyayari kung alam ng lahat kung kailan ang board exam mo?

At lahat ay umaasa na ikaw ay papasa?

Hindi ba mas pipilitin mong pumasa? o galingan sa pagkuha ng board exam?

Siguro mas maganda na ipamalita mo kung kailan ang board exam mo at ipangako mo sa karamihan na ipapasa mo ang board exam. Sa ganitong paraan naglalagay ka ng “pressure” sayong sarili at siguradong mapipilitan ka na mag-aral ng husto para makapasa ka.

Ano sa tingin mo?

2 responses to “Pare, kailan Board Exam nyo?

  1. yeah tama to!!!🙂 waaaa kya dpat ipasa talaga, dami na nakakaalam eh hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s