Board Exam mo, Ialay mo.

Ano ba ang epekto ng pagaalay ng bagay o lahat ng iyong ginagawa sa isang tao o sa kanino man?

Sa tuwing mananalo si Pacquiao sa kanyang mga laban sa boksing, ang lagi nyang bukang-bibig ay inaalay nya ang kanyang pagkapanalo sa lahat ng mga Pilipino, sa bansang Pilipinas, sa kanyang pamilya at higit sa lahat ay sa Dios. Hindi kataka-taka na laging panalo si Pacquiao sa kanyang mga laban dahil sa ganitong pag-iisip. Isang mandirigma na sumasabak sa giyera dala ang bandila ng kanyang bansa.

Kapag nagbigay tayo ng isang alay kanino man, hindi ba sinisugurado natin na ang ibinibigay natin ay iyong pinakamaganda na sa lahat? Pinipilit natin na maibigay lahat ng makakaya natin para makapaghandog tayo ng mabubuting bagay sa gusto nating pagbigyan.

Dahil dito ginagawa natin lahat at ibinubuhos ang buong sarili para mapaganda ang hinahandog natin. Tama?

Sa review at board exam bakit kaya hindi nating subukan na ialay ito sa mga taong importante sa atin?

Halimbawa, sa ating ama o ina? sa ating mga kapatid? mga kaibigan? asawa? o sa girlfriend o boyfriend? Sa ganitong paraan, hindi lang ang sarili natin ang iniisip natin na mapapasaya kapag pumasa sa board exam kundi ang mga taong importante sa atin. At hindi ba lalo nating pagbubutihin kung alam natin na para sa kanila ang lahat ng ginagawa natin?

Ang pagaalay ng isang bagay sa isang tao ay nakapagbibigay ng tuwa o saya sa taong pinagbibigyan nito. Pero alam nyo ba na sa kabilang banda ay nakapagbibigay din ito sa taong nagbibigay ng alay?

Ano ang pakiramdam kapag ang taong pinagbigyan mo ng isang bagay ay natuwa? Hindi ba ikaw rin ay natutuwa? Kaya nga kapag ikaw ay nagaalay hindi lang ang iba ang  pinapasaya mo kundi ang sarili mo.

Ang payo ko sa lahat ng mag-rereview o magte-take ng board exam, ang board exam mo, ialay mo. Dahil sa pag-aalay mo, nakasalalay sa kamay mo ang kaligayahan ng mga taong importante sayo. Gusto mo bang sumaya sila? Iaalay mo ito sa kanila.

2 responses to “Board Exam mo, Ialay mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s